--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakapagtala ng dalawang bagong kaso ang Isabela kaya apat ang  mga aktibong kaso mula sa Cabatuan, Echague, Alicia at Lunsod ng Santiago.  

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Arlene Lazaro, vaccine czar at Asst. Provincial Health Officer na umabot na sa isang buwan na ang maraming bayan sa Isabela ay one-digit na lang ang mga kaso ng COVID-19 habang mas marami na ang COVID-19 free.

Huling naitala ang 2 digit cases na sampung aktibo noong ikapito ng Abril.

Ayon kay Dr. Lazaro, isa sa mga nakatulong ang mataas na vaccination coverage sa Isabela gayundin ang patuloy na pagsunod ng mga mamamayan sa mga minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at pagtalima sa social distancing.

--Ads--

Nakamit na ang 81.3% target population ang nabakunahan sa Isabela.

Tuluy-tuloy ang pagbabakuna at ang pagbibigay ng booster shot at isinasagawa na ang  house-to-house para makamit ang target na itinakda ng DOH.

Muling nanawagan si Dr. Lazaro sa mga fully vaccinated na magpa-booster shot at huwag hintaying bumababa ang immune system.

Sinabi pa ni Dr. Lazaro na hinihintay na nila ang guidelines ng DOH hinggil sa pagtuturok ng ikalawang booster shot.

Kapag nailabas na ang panuntunan ay agad silang magsisimula ng pagtuturok ng ikalawang booster shot.

Ayon kay Dr. Lazaro, para mapaghandaan ang sinasabi na posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 pagkatapos ng halalan ay dapat magpa-booster na ang mga fully vaccinated para mapataas ang kanilang immunity sa sakit.