--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinatayang nasa 15 na pasyente mula sa 140 na tinamaan ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa ang malubha ang kondisyon habang ang nalalabing bilang ay mild na kaso lamang at karamihan ay mula sa National Capital Region (NCR).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay  Dr. Rio Magpantay, head ng Bureau of Epidemiology  ng Department of Health (DOH) Central Office,  sinabi niya na puspusan na ang kanilang profiling at contact tracing sa mga indibiduwal na nakasalamuha ng mga Covid-19 patients.

Sinusuri na rin ng DOH ang mga ospital na maaaring makatuwang  sa pagtugon sa COVID-19.

Pag-aaralan din ang pagtatalaga ng isang ospital na maaaring gamiting isolation area ng mga COVID-19 patients na nasa malubha ang kondisyon.

--Ads--

Ayon kay Dr. Magpantay, ilan lamang sa mga mild na sintomas ng COVID-19 ay ang pagkakaroon ng  ubo at sipon ng  pasyente  subalit hindi  nahihirapan sa paghinga at wala nang iba pang sintomas gaya ng lagnat at pananakit ng lalamunan.

Gayunman, mainam aniya na mamonitor ng mga hindi malubha ang kaso ng COVID-19 dahil sa may posibilidad na lumala ang kondisyon ng  pasyente.

Ang tinig ni Dr. Rio Magpantay