CAUAYAN CITY – Hindi makapasok sa kanilang trabaho ang maraming manggagawa sa Sharjah City, United Arab Emirates kabilang na ang ilang Pilipino dahil sa baha.
Sinabi ni Bombo International News Ccorrespondent Gretchen Adarlo na bagamat umaaraw na sa kinaroroonan niyang lugar ngayon ay mataas pa rin ang baha na hanggang tuhod at may ibang lugar na hanggang baywang.
Aniya, nagsimula noong Martes ng madaling araw ang pag-ulan at nagtuluy-tuloy na hanggang hapon.
Dahil dito, maraming establisyemento na apektado ng baha ang nagsara gayundin ang mga daan.
Wala aniyang transportasyon kaya hindi makapasok ang mga empliyado sa kanilang mga trabaho.
Malaking suliranin din nila ang kawalan ng tubig dahil kailangan pa nilang mag-igib sa ground floor.
Bubuhatin nila ito dahil hindi rin gumagana ang elevator sa mga gusaling apektado ng baha.
Ayon kay Adarlo, sa siyam na taon niyang nagtatrabaho sa United Arab Emirates ay ito na ang pinakamalakas na pag-ulan na kanyang naranasan.
Tinig ni Bombo International News Ccorrespondent Gretchen Adarlo.