--Ads--

CAUAYAN CITY Maraming Overseas Filipino Workers (OFWs) na ang naapektuhan at napilitang umuwi ng Pilipinas dahil sa patuloy na pagbagsak ng ekonomiya ng Lebanon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Reynaldo Ulep Calica, isang cook sa bansang Lebanon, sinabi niya na karamihan sa mga Pilipinong nagtratrabaho sa naturang bansa ang napilitan na lamang na umuwi dahil sa nararanasang crisis.

Aniya, maraming bahay, kainan o restaurants ang nagsara kaya napilitang umuwi sa Pilipinas sa pamamagitan ng repatriation kabilang na ang ilang undocumented OFWs.

Gayunman dahil sa kasalukuyang krisis pangkalusugan na kinakaharap ng Pilipinas, may ilang OFWs pa rin tulad ng mga Domestic Worker at Factory worker ang nagpahayag na mas nanaisin nilang tiisin ang mababang palitan ng dolyar kaysa umuwi sa Pilipinas na walang trabaho.

--Ads--

Mayorya sa mga nagsarang establishments ay nakahimpil sa Beirut kung saan nagpapatuloy pa rin ang rally tuwing araw ng Sabado at Linggo.

Para makaipon ay dolyar na lamang niyang ipinapadala ang kaniyang suweldo sa kanyang pamilya dito sa Pilipinas.

Tinig ni Reynaldo Ulep Calica.

Samantala, maituturing namang matagumpay ang naging hakbang ng Lebanon kontra COVID-19 matapos na mapababa mula sa dating sampung libong kaso sa dalawang daang kaso na lamang ang naitatalang COVID cases.

Pangunahin sa mga ginagawang hakbang ng Lebanon ay ang pagpapatupad ng lockdown at curfew.

Aniya, may schedule o limitado lamang ang oras ng mga residente na magtungo at mamili sa pamilihan at agad ding hinuhuli ang mga maaktuhang hindi nagsusuot ng face mask.

Maliban pa sa malawakang vaccination program kung saan mayorya ng populasyon ang bakunado na.

Tinig ni Reynaldo Ulep Calica.