--Ads--

Ipinahayag ni Local Government Secretary Jonvic Remulla na mas epektibo ang kampanya kontra iligal na droga sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kumpara sa nakaraang administrasyon.

Ayon sa kalihim, marami mang nasawi sa war on drugs noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, hindi pa rin napigilan ang pagkalat ng iligal na droga.

Samantala, sa kasalukuyang administrasyon, iginiit niya na isinasagawa ang kampanya alinsunod sa batas at walang naiuulat na extrajudicial killings.

Idinagdag pa ni Remulla na mas lumalakas ang operasyon laban sa iligal na droga dahil sa pinaigting na koordinasyon ng kapulisan at ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, na nagreresulta sa mas maraming pag-aresto sa mga sangkot sa ilegal na gawain.

--Ads--