--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagsagawa ang Sanguniang Panlalawigan ng Isabela ng pagdinig kaunay sa isyu ng dengvaxia.

Ang nasabing pagdinig ay dinaluhan, hindi lamang ng committee of the whole.

Sa nasabing pagdinig ay pinabulaanan ng Provincial Health Office ng Isabela, Department of Education Isabela, Dep-Ed Cauayan City at Dep-Ed Ilagan City na may naganap na mass vaccination ng Dengvaxia Vaccine sa lalawigan ng Isabela.

Sinabi sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Sangguniang Panlalawigan Member Napoloen Hernandez, na nababahala sa nasabing isyu kaya’t nagsagawa sila ng pagdinig kaunay sa usapin ng Dengvaxia Vaccine.

--Ads--

Ang nasabing pagdinig ay dinaluhan ng mga Doctor ng Provicial Health Office, at maging ang mga Pinuno ng mga Schools Division.

Ayon kay SP member Hernandez, lumabas sa kanilang pagdinig na walang naganap na mass vaccination sa lalawigan ng Isabela.

Sinabi ni Provincial Administrator, Atty. Manuel Lopez, na may dumating na grupo ng nag-aalok ng Vaccination sa Isabela subalit hinanapan nila ito ng approval ng US FDA subalit wala silang maipakita kaya sinabihan niya ang mga ito na bumalik kung meron nang approval ng US FDA.

Bagamat walang naitalang massive vaccination sa lalawigan ng Isabela ay inamin naman ni Atty. Lopez na may mga nabakunahan ng Dengvaxia Vaccine sa pribadong sector na tatlo batay sa talaan ng DOH Isabela.