--Ads--
Posibleng maibaba pa ang maximum suggested retail price (MSRP) ng bigas ngayong Marso.
Sa isang press conference, sinabi ni DA Spokesperson at Assistant Secretary Arnel De Mesa na posibleng maipatupad na ang ₱45 ang MSRP mula sa ₱49 sa huling bahagi ng Marso.
Ani De Mesa, kung pagbabatayan ang bumababang presyuhan sa pandaigdigang merkado at sa umiiral na exchange rate, posibleng maipatupad na ito sa katapusan ng Marso.
Nauna nang ipinatupad ang ₱58 pesos na MSRP sa bigas kasunod nang natuklasan na manipulasyon ng ilang traders sa presyuhan ng mga imported na bigas.
--Ads--