--Ads--

Mararanasan ngayong gabi ang pinakamahabang gabi dahil sa Winter Solstice kung saan magkakaroon ng higit labing tatlong oras na kadiliman.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PAGASA Chief Meteorologist Ramil Tuppil sinabi niya na simula ngayong araw ay mararanasan ang Winter Solstice o mas mahabang gabi.

Aniya nagaganap ng Winter Solstice tuwing buwan ng Disyembre kung saan nararanasan ang maiksing araw at mahabng gabi sa Northern Hemispohere dahil ang araw ay umaabot sa Southern Hemispehre.

Maliban sa mahabang gabi ay mararanasan rin ang malamig na klima at mag papatuloy ito hanggang buwan ng Enero sa susunod na taon.

--Ads--

Samantala aasahan ang isa o dalawang monsoon break ngayong Disyembre hanggang Pebrero sa susunod na taon kung saan magkakaroon ng maaliwalas na papawirin.