Iginiit in US President Donald Trump na kailangang magkaroon ng mas maigting na guidelines ang Federal Aviation Administration (FAA).
Inihayag ni Bombo International news Correspondent Marissa Pascual na ito ay kasunod ng nangyaring banggaan ng US Army UH-60 Black Hawk at CRJ-700 American Airlines flight 5342 na ikinasawi ng 67 na indibidwal.
Dati na aniyang mahigpit ang guidelines ng FAA ngunit nais nilang tiyakin na lahat ng empleyado nito competent upang maiwasan ang kaparehong insidente.
Gayunpaman ay palaisipan pa rin sa ngayon kung bakit nagbanggaan ang dalawang sasakyang panghimpapawid gayong alam ng dalawang Piloto ang presenya ng isa’t isa bago sila mag-land dahil nakapag-usap pa sila sa Air Traffic Controller na isang indikasyon na walang anumang aberya bago ang kanilang pag-land.
Dahil dito ay puspusan ang ginagawa nilang pag-recover sa blackbox upang matukoy ang sanhi ng insidente.
Nagpapatuloy naman sa ngayon ay ginagawang search and retrieval operation sa ilang mga lulan ng mga sasakyang panghimpapawid.
Malaking hamon naman ngayon para sa mga rescuer ang malamig na panahon lalo na at winter ngayon sa Estados Unidos.