--Ads--

CAUAYAN CITY- Mahigpit na minomonitor ng Public Order and Safety Division ang curfew hours sa Cauayan City, Isabela.

Ito ay upang maiwasan ang pagkakatala ng mga mga mauling incidents o mga bugbugan sa Lungsod na kadalasang kinasasangkutan ng mga kabataan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pillarito Mallillin, sinabi niya na sa kanilang monitoring ay nagtutungo rin sila sa mga bahay-inuman para matiyak na wala nang umiinom na mga kabataan pagsapit ng alas diyes ng gabi.

Mayroong mga nahuhuli naman aniya sila na lumalabag sa curfew hours ngunit pinapayuhan na lamang nila ang mga ito na umuwi na sa kanilang mga bahay.

--Ads--

Palagian naman aniya ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga school heads para matiyak na hindi nasasangkot sa kaguluhan ang mga mag-aaral.

Sa ngayon ay wala naman na silang na momonitor na mga gangs o grupo ng mga kabataan dahil mahigpit na umano itong ipinagbabawal ng pamahalaang panlungsod.

Plano naman  nila na maghain ng request sa Kagawaran ng Edukasyon para mabigyan sila ng pahintulot na magpatrolya mismo sa loob ng mga paaralan sa Lungsod.