CAUAYAN CITY– Magkakaroon umano ng mas malawakang kilos protesta bukas, June 16, 2019 ang mga Hongkong national laban sa isinusulong ng mga mambabatas na Extradition Bill.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Bb. Maribel Quesada, limang taon nang Overseas Filipino Worker (Ofw) sa Kowloon, Hongkong at tubong Cabatuan, Isabela na inaasahang mas malawak ang isasagawang rally bukas.
Aniya, nagpalabas ng advisory ang Philippine Consulate General sa mga Ofw’s na huwag munang lumabas sa bukas upang hindi madamay kapag nagkaroon ng kaguluhan sa kilos protesta.
Samantala, inihayag pa ni Bb. Quesada na nagsara na ang mga negosyo sa mga lugar kung saan nagaganap ang mga kilos protesta.
Ang mga may-ari ng mga nagsarang negosyo ay sumama sa rally para tutulan ang pagpasa ng mga mambabatas sa Extradition Bill.