CAUAYAN CITY – Nagpaalala ang PDRRMO Nueva Vizcaya sa mga biyahero na lalabas at papasok sa Region 2 dahil sa mabigat na daloy ng trapiko sa kanilang nasasakupan dahil sa malaking volume ng sasakyan sa kasalukuyan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay King Webster Balaw-ing ang PDRRM Officer ng Nueva Vizcaya sinabi niya na nararanasan ngayon sa bahagi ng Cordon hanggang Diadi Nueva Vizcaya ang moderate to heavy traffic dahil sa pagdami ng mga sasakyang papasok at palabas ng Region 2 para samantalahin ang long weekend.
Aniya, mahigit dalawang oras ang interval ngayon ng mga sasakyan sa nabanggit sa lugar na napakalayo sa dating 15 minutes.
Isa sa naging dahilan din sa mas pagbigat pa ng daloy ng trapiko ay ang mga walang disiplinang motorista na walang habas na nagkacounter flow.
Sa kasalukuyan ay katuwang na nila ang traffic management ng mga contractor na may proyekto o road construction sa kahabaan ng Nueva Vizcaya.
Hindi naman aniya maiwasan na magdulot ng pagbigat ng daloy ng trapiko ang ginagawang road construction sa Nueva Vizcaya subalit mas nagpapabigat pa dito ang mga pasaway na motorista.
Nag-augment na rin sa lugar ang Philippine National Police para mapaluwag ang daloy ng trapiko matapos okupahin ng mga unruly travelers ang one way passable lane.
Nakikiusap naman siya sa mga motorista na makisama at mag baon ng pasensya dahil sa mabigat na daloy ng trapiko.
Oras aniya na matapos na ang mga road construction na proyekto ng DPWH ay magkakaroon na ng mas maluwag na daan at maayos na daloy ng trapiko.
Aasahan naman na magtatagal ang ganitong sitwasyon sa Cordon at Diadi Nueva Vizcaya hanggang sa matapos ang long weekend.