--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinaghahandaan na ng pamahalaang Lunsod ng Cauayan ang mass Wedding o kasalang Bayan bilang bahagi ng pagdiriwang ng buwan ng mga puso ngayong Pebrero.

Ang kasalang bayan ay isasagawa sa February 22, 2017 sa FLDY Coliseum.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni City Mayor Bernard Dy na libreng ipagkakaloob ito ng LGU sa mga magsing-irog na nais nang makasal.

Batay sa pinakahuling talaan ng LGU Cauayan City, 113 pares ang nakapag-parehistrong magpakasal at inaasahang madadagdagan pa bago ang araw ng mass wedding.

--Ads--

Magkakaloob din ang City Government ng cash gifts sa mga ikakasal.

Inanyayahan ng City Mayor ang mga nagnanais magpakasal na sumama sa Kasalang Bayan dahil libre at babalikatin ng LGU ang anumang gagastusin.

Taun-taon na nagsasagawa ng kasalang bayan ang pamahalaang Lunsod at noong 2017 ay umabot sa 140 na mag-kapareha ang ikinasal.