--Ads--

CAUAYAN CITY– Nababahala ang pamunuan ng Department of Health (DOH) region 2 sa mataas na bilang ng naitatalang namatay dahil sa sakit na Dengue sa rehiyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Regional Director Dr. Rio Magpantay ng DOH region 2 na mataas ang bilang ng naitatalang namatay dahil sa sakit na Dengue na umabot na sa 34 kumpara sa 12 namatay noong nakaraang taon.

Bagamat tumaas ang bilang ng mga namatay o nasawi sa nasabing sakit ay patuloy na bumababa ang kaso ng naitatalang nagkakasakit ng Dengue sa rehiyon dos..

Tinig ni Dr. Rio Magpantay ng DOH region 2

Sinabi ni Dr. Magpantay na dapat ay magtulungan ang DOH at mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng kanilang kampanya kontra dengue at hindi dapat magsisihan.

--Ads--