--Ads--

CAUAYAN CITY – Isang mataas na opisyal ng New People’s Army  (NPA)  ang  dinakip ng mga otoridad sa  Diffun, Quirino.

Ang dinakip ay si Reynaldo Busania alyas “Rey”, binata at residente ng Magsaysay,  Diffun Quirino.

Inaresto ang suspek   ng mga kasapi ng Diffun Police Station, Quirino Police Provincial Office,  CIDG Quirino at mga sundalo sa bisa ng warrant of arrest  na ipinalabas ni Judge Eufren Changale  ng RTC branch 38,Cabarroguis,Quirino sa kasong Robbery at Serious Illegal Detention laban kay Busania.

Bukod dito ay isinilbi rin ang warrant of arrest ng mga otoridad laban sa suspek  sa kinakaharap na  kasong murder with multiple frustrated murder  na ipinalabas  sa RTC Branch 17 Ilagan City, Isabela bukod pa sa kasong Carnapping na ipinalabas ng   RTC  branch 28 Maddela.

--Ads--

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ni Busania.

Si Alyas Rey  ay  lider ng Northern Front and Head Communication Regional Organization Department ng NPA.