--Ads--

CAUAYAN CITY-Umaabot pa rin sa 40 feet ang taas ng tubig baha sa Houston, Texas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Ginang Rusyl Constantino Clark na marami pa ring lugar sa Houston, Texas ang binabaha subalit ang ilang lugar ay humupa na ang pagbaha.

Dahil dito gumagamit na rin ng helicopter ang mga otoridad sa kanilang rescue operations sa Houston Texas upang mailigtas ang mga naapektuhan ng Hurricane Harvey.

Karamihang binabaha ngayon ay ang mga kabahayan na malayo sa dagat.

--Ads--

Maliban sa tubig ulan na dulot ng Hurricane Harvey ay nagpapakawala na rin ng tubig ang mga dam sa Houston Texas na sanhi ng mga pagbaha.

Aabot anya sa mahigit 300,000 pamilya ang apektado ng pagbaha sa Houston, Texas.