--Ads--

CAUAYAN CITY – Ipamimigay na bukas ng DSWD-Region 2 ang tulong pinansiyal para sa mga totally damaged house bunsod ng bagyong Ompong sa Igig, Penablanca, Solana, Cagayan at Lunsod ng Tuguegarao sa lalawigan ng Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Frank Lopez, Division Chief ng Disaster Response and Management ng DSWD-Region 2, inihayag niya na ang nabanggit na mga bayan ang unang bibigyan ng tulong pinansiyal dahil unang nakompleto ang mga requirements at validated na.

Ang ibibigay na tulong pinansiyal ay Php30,000.00 sa bawat pamilyang totally damaged house dahil sa pinsala ng bagyong Ompong noong buwan ng Setyembre

Ang mga bayan ng Tuao, Allacapan at Calayan sa Cagayan ay hindi pa nakapaghain ng mga dokumento kaya wala pang maipamamahaging tulong pinansiyal mula sa DSWD region 2.

--Ads--

Samantala, naka schedule na rin sa Lunes ang ipamamahagi namang cash assistance sa Cabagan, Delfin Albano, Ilagan City, Maconacon, Palanan, Sta Maria, Sto Tomas, Aurora, Burgos, Gamu, Mallig, Naguillan, Roxas, Alicia, Angadanan, Cabatuan, Luna, Cauayan at Reina Mercedez sa Isabela.