--Ads--

CAUAYAN CITY – Maari nang daanan ang lansangang papasok at papalabas ng region 2 matapos manalasa ang bagyong Rosita.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Santa Fe Police Station, nagsagawa ng clearing operations ang mga kasapi ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council sa Nueva Vizcaya sa nasabing lugar at nilinis ang mga natumba at mga nakahambalang na mga puno ng kahoy sa mga lansangan.

Pangunahing madadaanan na ay ang Dalton Pass sa Sta. Fe Nueva Vizcaya.

Samantala, ilang bahagi rin ng lansangan sa Antutot, Kasibu, Nueva Vizcaya ang hindi madanan dahil pahirapan ang clearing operations ng nagtumbahan na kahoy at landslide.

--Ads--

Inihayag naman ni Provincial Administrator Maybel Sivalliena ng Nueva Vizcaya na kanilang sinisikap na tapusin ang clearing operations hanggang ngayong gabi.

Samantala sa talaan naman ng PDRRMC Nueva Vizcaya mayroong 162 pamilya o halos 600 indibidwal ang lumikas kabilang rito ang 46 families na nasa outside evacuation center.

Ilang bahagi ng lalawigan ng Nueva Vizcaya ang nakakaranas pa rin ng power interuption dahil sa bagyong Rosita.