--Ads--

CAUAYAN CITY – Nahukay ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at militar ang ilang matataas na kalibre ng baril at bala sa isang bakanteng lote sa Sitio Galgalba, Brgy. San Miguel.

Ito ay kinabibilangan ng dalawang M16 armalite rifle at anim na long magazine na may animnapung bala.

Ang mga armas ay nakabalot sa isang kulay asul na cellophane at ibinaon sa lupa.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, itinago ng mga miyembro ng makakaliwang grupo ang mga armas matapos makasagupa ang tropa ng pamahalaan noong ikalabing anim ng Marso, 2021 sa Brgy. San Mariano Sur, San Guillermo, Isabela.

--Ads--

Ibinaon umano ang mga armas ni Ka Milka matapos masawi sa sagupaan ang kanyang mga kasama.

Natunton din ang kinaroroonan ng armas sa pakikipagtulungan din ni Ka Milka at sa pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa terorismo.

Dinala ang mga narekober na armas sa headquarters ng 86th Infantry Battalion Philippines Army sa Jones, Isabela para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.