CAUAYAN CITY- Naniniwala ang Department of Public Works and highways ang DPWh Region 2 na sumunod sa kanilang standard ang construction ng tulay maging ang bawat materyales na ginamit.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DPWH Regional Director Engr. Mathias Malenab, sinabi niya na nakita naman niya ang resulta ng test na isinagawa sa bawat materyales na ginamit.
Sa kasalukuyan ay plano na nilang magsagawa ng rehabilitasyon sa nasirang bahagi ng tulay, una narin silang nakipag-ugnayan sa DPWH Central office kasabay ng gagawin nilang pagsisiyasat sa insidente kung saan may assestment na gagawin para malaman ang ugat ng naging pagbagsak ng tulay.
Samanatala, inihayag ni Bryan Dejan, isa sa mga biktima na matagal na silang dumadaan sa tulay at naramdaman nila ang tila pag-alon ng aspalto bago tuluyang bumagsak ang isang span nito.
Inamin din niya na bago pa man mabuksan ang tulay ay una na umanong nakitaan ng cracks ang nasabing bahagi ng tulay .
Binanggit din niya na kulang na kulang ang ipinaabot na tulong ng Department of Social Welfare Development o DSWD Region 2 lalo at malaki din ang ginastos niya para sa kaniyang mga gamot maliban pa sa pangangailangan niya ngayong nawalan siya ng trabaho.











