CAUAYAN CITY- Naniniwala ang Samahang Industriya ng Agrikultural o SINAG na kailangan paring pag-aralan ng mabuti bago ipatupad ang mungkahing Maximum Suggested Retail Price o MSRP sa poultry products.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay SINAG chairman Rosendo So, sinabi niya na welcome development para sa kanila ang proposal na Maximum Suggested Retail Price o MSRP sa presyo ng manok at ilog gayunman mas nararapat parin na mapag-aralan muna ito bago ipatupad.
Ayon kay Engr. So dapat munang magkaroon ng dayalogo kasama ang mga poultry raisers para maitakda ang nararapat na presyo na mapagkakasunduan.
Sa ngayon may bahagyang pagbabago ang supply ng manok sa mekado dahil sa pagsirit ng presyo sa karner ng baboy na nagresulta sa pag shift ng mga mamimili sa alternatibong protien source.
Ang kasalukuyang live weight ng manok ay pumapalo sa 125 per kilo kaya naglalaro ang kada kilo nito sa merkado sa 190 to 200 pesos.
Dahil sa mainit ang panahon maliban sa presyo ay dapat ding bantayan ang paglaki ng manok, batay sa kanilang obserbasyon kahit ang mga manok na tunnel ventilated ay bumagal ang paglaki na nagreresulta sa additional cost of production na 3 to 4 days.
Ayon sa SINAG ngayong mainit na ang panahon aasahan ang mas mahabang number of days bago ma harvest ang manok mula sa dating 31 to 32 days ay maaaring umabot pa sa 35 to 36 days habang ang mga hindi ventilated na dating 45 days ay aabot sa 50 days.
Sa itlog naman wala pang nakikitang kakulangan sa supply dahil nanatiling normal ang tustos nito sa merkado subalit kailangan paring paghandaan ang posibleng pagsipa sa presyo.