--Ads--

CAUAYAN CITY- Nilait at hinamak dahil sa pagkakaroon ng kapansanan ngunit hindi pinanghinaan ng loob kundi nagsikap at nagpunyagi upang makatapos ng kurso, nagkaroon ng trabaho at nakatagpo ng babaeng nagtapos din ng kurso at pinanindigan ang pagmamahal sa kanya.

Ito ang makulay na buhay ni Ginoong Eduardo  Vergara, 38 anyos,residente ng Palawan, San Guillermo, Isabela na siyang 1st prize winner sa Kahapon Lamang Sucess Story.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Vergara, sinabi niya na naging hamon at inspirasyon sa kanya ang mga paghuhusga sa kanya upang patunayan mayroon siyang magagawa para makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Ipinagbubuntis pa lamang si Edwardo  ng kanyang ina ay naghiwalay na sila ng kanyang ama kaya umuwi ang ina sa kanilang lugar sa San Guillermo, Isabela.

--Ads--

Malusog siya nang isilang ng kanyang ina ngunit napilay sa isang aksidente noong siya ay 3 anyos.

Hindi sana siya pag-aaralin dahil sa kanyang kalagayan ngunit nainggit siya sa mga bata kaya kinausap niya ang kanyang ina.

Noong wala pa siyang saklay ay gumagapang siya sa paglalakad habang ang mga kamay ang nakasuot ng tsinelas.

Sa kanyang pag-aaral ay naging student leader siya at nahalal na Supreme Student Council president.

Kumita siya ng sariling pera sa pamamagitan ng pagguhit at napili siyang sumali sa Provincial Schols Press Conference bilang editorial cartoonist.

Nagsilbing hamon para kay Ginoong Vergara ang sinabi ng kanyang amain na siya ay ambisyoso at tinaya na hindi siya magtatagal sa kolehiyo.

Sa pamamagitan ng scholarship program ng Provincial Government ay nakatapos si Edwardo  ng Bachelor of Science in Industrial Education sa Isabela State University Ilagan City Campus.

Labis siyang ipinagmamalaki ng kanyang nanay dahil siya ang kauna-unahang degree holder sa motherside.

Naging call center agent si Mr. Vergara at nagturo ng dalawang taon sa Laguna ngunit napilitang umuwi sa Isabela matapos na manalasa ang bagyong Ondoy.

Si Ginoong Vergara ay namamahala ngayon ng kanilang negosyo.

Sinabi niya na sanay magsilbi siyang inspirasyon sa mga tulad niyang may kapansanan.