CAUAYAN – Hiniling ni Mayor Bernard Dy sa Sangguniang Panlunsod na magpasa ng resolusyon para isailalim sa state of calamity ang lunsod ng Cauayan dahil sa malaking pinsala sa agrikultura na dulot ng naranasang pagbaha.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Dy, sinabi niya na umaabot sa 9,000 na ektarya ng mga pananim pangunahin sa mais na tinatayang 22 million ang nalubog sa baha.
Patuloy pa ang pagsasagawa ng assessment ng Cauayan City Agriculture Office para malaman ang tunay na halaga ng mga napinsalang pananim at makapaglaan ang pamahalaang lunsod ng tulong na ibibigay sa mga magsasaka.
Samantala, patuloy ang pagmonitor ng Cauayan City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC ) sa mga tulay sa lunsod pangunahin na sa mga forest region.












