--Ads--
Muling nagwagi bilang alkalde ng lungsod si Mayor Jay Diaz matapos ang buhos na botong umabot sa 74,188 kumpara sa nakuhang boto ng katunggali nitong si Gideon Ventura na 6,931.
Wagi naman bilang bise mayor si Jayve Diaz matapos makakuha ng 60,723 na boto kumpara sa 20,935 na boto ni Margarette Chin at 375 lamang na botong nakuha ni Hermogenes Antonio.
Ang mga nanguna naman sa pagkakonsehal ay sina Rachel Villanueva, Kit Bello, Harold Olalia, Joji Borromeo, Lillian Bringas, Rolly Tugade, Antonio Manaligod Jr, Perly Gaoiran; Gaylor Malunay at Bic-Bic Albano.











