--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagharap na ng Certificate of Candidacy ang buong line-up ni Mayor Ceasar “Jaycee” Dy Jr. sa COMELEC Cauayan City.

Ayon kay City Election Officer Atty. Johanna Vallejo na mas maraming mga kandidato ang naghain na ng kanilang COC kahapon mula Punong Lungsod hanggang sa Sanguniang Panlungsod Members.

Hanggang sa ngayon ay hinihintay pa rin naman nila ang ilan pang mga pulitiko na maghahain na rin ng kanilang COC sa nalalabing dalawang araw ng filing.

sa kanilang datos ay isa pa lamang ang nagharap ng COC sa pagka Mayor, dalawa sa pagka-Vice Mayor at labing isa sa Sanguniang Panlunsod.

--Ads--

Aniya bagamat may kaunting aberya sa isang independent candidate ay agad naman siyang nakapag-comply.

Masusi pa ring sinusuri ng COMELEC Cauayan ang lahat ng mga attached documents ng mga kandidato.

Bukas naman ang COMELEC Cauayan sa pagtanggap ng corrections ng mga pangalan para sa official ballots at paalala ni atty. Vallejo na hanggat maaari ay huwag na sanang hintayin ng mga aspirant na nakapagharap na ng COC ang October 15 para sa mga corrections dahil sa inaasahang gagawin na ang official ballots para sa halalan.

Muli ay hinikayat niya ang mga kandidatong hindi pa nakapaghain ng COC na magtungo na sa mga COMELEC Election Offices at magharap na ng COC bago ang October 8 Deadline.