
Naglabas ng pahayag si Mayor Jaycee Dy May kaugnayan sa mga natatanggap na reklamo sa pribadong pamilihan na pinangangasiwaan ng Primark.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Jaycee Dy, Sinabi niya na noon pang halalan ay problema na ng mga tenants ang pagbaha sa pribadong pamilihan at sa ngayon ay unti unti nang nagagawan ng aksiyon.
Aniya ang problema ng pagbaha sa pamilihan ay nag ugat sa hindi tamang pagtatapon ng basura na nagreresulta sa pagbabara ng mga masisikip na drainage canal.
Sa mga nakaraang pagpupulong ay natalakay ang ibat ibang problema ng mga tenant at pamunuan ng pribadong pamlihan at nangako naman na tutugunan ito.
Kahapon ay inilatag din ng pamunuan ng pribadong pamlihan ang kanilang accomplishment reports sa isinagawang pagpupulong kasama ang mga department heads.
Nangako si Mayor Dy na tututukan niya ang mga reklamo na hindi pa nabibigyan ng solusyon.
Regular naman na ipapatawag ang pamunuan ng pribadong pamlihan para sagutin ang mga reklamo at tingnan kung sila ay tumutugon o gumagawa ng aksiyon sa mga reklamo sa kanilang pamunuan.










