--Ads--

CAUAYAN CITY – Inilabas na ng RP-Mission and Development Foundation Incorporated ang resulta ng kanilang pinakabagong pag-aaral na tinatawag na “Boses ng Bayan” na nagtaya sa performance ng mga City Mayor sa buong Pilipinas.

Kabilang sina Mayor Josemarie Diaz ng City of Ilagan at Mayor Sheena Tan ng Santiago City sa mga binigyan ng pagkilala.

Kasama sa mga criteria na ginamit upang mataya ang performance ng mga City Mayor ay ang Service delivery, financial stewardship, economic progress, leadership and governance, environmental management, social services at public engagement.

Si Mayor Joy Belmonte ng Quezon City ang nakatanggap ng pinakamataas na score sa lahat ng 145 City Mayors sa bansa.

--Ads--

Kinikilala siya bilang most accomplished City Mayor sa Pilipinas sa score na 94.35%.

Ayon kay Dr. Paul Martinez, Executive Director ng RPMD, ang ganitong uri ng evaluation at assessment sa performance ng mga city mayor ay isang paraan upang tayain ang kakayahan ng mga punong lunsod sa pagpapatupad ng legal at ethical standards, dedikasyon sa civic engagement, at abilidad na gawing mahusay ang kanilang public service.

Ang “Top City Mayors in the Philippines” survey ay isinagawa mula February 25 hanggang March 28 at kabilang ang 10,000 na registered voters bilang respondents.