--Ads--

CAUAYAN CITY – Umapela ang City Government sa pambansang pamahalaan na manatili sa General Community Quarantine (GCQ) ang Santiago City na napabilang sa Modified GCQ.

Inihayag ni Mayor Joseph Tan na maraming ikinonsidera ang pamahalaang lunsod pangunahin na ang pagtiyak sa kalusugan ng bawat Santiaguenio.

Marami ang sumasangguni sa kanila kaugnay sa pagnanais na mapanatili sa GCQ ang lunsod dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 positive sa ikalawang rehiyon.

Mananatili  ang pagkakaroon ng passes kabilang na ang travel, working at barangay kaligtasan pass bukod pa sa pagpapanatili sa mga barangay checkpoint at motorists assistance booth sa mga national highway.

--Ads--

Mananatili rin ang pagbabawal sa paglabas ng mga nasa 60 anyos pataas at 21 anyos pababa gayundin ang mga may karamdaman at buntis.

Bukod dito ay mananatili rin ang curfew hours mula 8:00PM hanggang 5:00AM habang mananatiling bukas ang mga establishimentong pinahintulutan sa ilalim ng GCQ.

Muling nagpaalala si Mayor Tan na panatilihin ang pagtugon sa mga minimum health protocols pangunahin na ang pagsususot ng facemask, palaging paghuhugas ng mga kamay at pagsunod sa physical distancing.

Hinikayat din niya ang publiko na ipabatid sa mga kinaukulan ang mga mamamayang nakapuslit papasok sa Santiago City.

Ang pahayag ni Mayor Joseh Tan