CAUAYAN CITY- Binigyang linaw ni Mayor Juan Capuchino ang issue kaugnay sa viral video sa ginawang pananakot at panghaharas ng dalawang Barangay Kagawad ng Quirino, Naguilian, Isabela sa isang botante.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Juan Capuchino sinabi niya na wala siyang kalaban sa tinatakbuhan niyang posisyon na pagka bise alkalde ng bayan ng Naguilian kaya walang dahilan para mag-utos siya ng ganitong bagay.
Dagdag pa niya na sa siyam na taon ng kaniyang panunungkulan ay hindi niya inutos na manakot ng mga botante para siya ay iboto, hindi rin niya kinausap ang mga opisyal ng Barangay upang magkaroon ng ugnayan sa eleksyon o sa pangangampaniya.
” Wala akong anumang instruction o kinausap manlang regarding sa mga kampa-kampaniya, ang kumausap sa kanila election officer tsaka COP o Chief of Police to active their barangay tanods pero ako I never instructed barangay officials kasi noong una sabi ng Comelec they are not entitled to campaign any candidate pero eventually sinabi ng Comelec na they have the right now to campaign for any candidate”
“Kung may mangangampaniya man for our party pero sa akin wala nang mangangampaniya para sa akin dahil wala naman akong kalaban, kaya di na ako kumausap sa kahit sinoman, why do I have to give instruction na ganun eh wala naman akong kalaban”
” This is the third election na wala akong kalaban, kaya bakit naman ako gagawa ng ganun, kung mahigpit man ang laban then let the people decide”
” Doon sa mga kagawad na gumawa ng ganun wala akong kamay o wala akong instruction na binigay sa kanila”
Ayon pa kay Mayor Capuchino suportado niya ang ginagawang imbestigasyong ng Commission on election o COMELEC sa kumalat ng video at kung ano man ang maging resulta nito.











