--Ads--

Maagang naghanda ang Bayan ng Dinapigue Isabela sa posibleng epekto ng Bagyong Nika.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Vincent Mendoza una na silang nagsagawa ng pulong para paghandaan ang gagawing evacuation sa mga residenteng nakatira sa mababang mga lugar.

Sa ngayon ramdam na ang epekto ng Bagyo at tinitiyak nilang nakahanda na ang kanilang hanay at naka preposition na ang mga kakailanganin nilang kagamitan.

Una na nilang nilikas ang nasa limampung mga residente mula sa dalawang Barangay sa Dinapigue na pawang mga manggagawa sa mga flood prone areas.

--Ads--

Nakahanda na rin ang prepositioned family food pack maging mga non-food items na ipapamahagi sa mga maapektuhang pamilya.

Samantala, kung matatandaan nitong nagdaang bagyong Kristine madaming mga alagang hayop ang nasawi at nalunod dahil sa biglaang pagtaas ng antas ng tubig sa ilog kaya maaga pa lamang ay pinaalalahanan na ng LGU ang mga residente na ilikas na sa mataas na lugar ang kanilang mga alagang hayop.