Nagpasya ang Mayor ng Maebashi, Japan na si Akira Ogawa na magsumite ng resignation matapos mabunyag ang kanyang paulit-ulit na pagpunta sa mga “love hotel” kasama ang isang nakatatandang opisyal ng lungsod na may asawa.
Ayon sa ulat, inamin ni Ogawa noong Setyembre 2025 na siya ay bumisita ng higit sampung beses sa naturang mga hotel kasama ang nasabing opisyal.
Iginiit niya na walang romantikong relasyon na namamagitan sa kanilang dalawa, at ang pagtungo sa hotel ay para lamang sa trabaho at personal na problema.
Gayunpaman, ang paggamit ng opisyal na sasakyan ng lungsod sa ilang pagkakataon ay nagdulot ng matinding kritisismo mula sa publiko at konseho ng lungsod.
Bago mailahad ang “no-confidence motion”, nagsumite si Ogawa ng kanyang letter of resignation, na epektibo simula November 26, 2025. Tinanggap ito ng Maebashi City Assembly.
Si Akira Ogawa ang kauna-unahang babaeng mayor ng Maebashi at nahalal noong February 2024. Bago maging mayor, nagsilbi siya bilang abogado at miyembro ng prefectural assembly sa Gunma.
Ang insidente ay nagdulot ng malawakang diskusyon sa publiko hinggil sa integridad at ethics sa pamahalaan, lalo na sa mataas na posisyon.











