CAUAYAN CITY- Kasunod ng derektiba ng Comelec na bawiin ang suspensyon order sa proclamation ni Atty. Harold Respicio ay pormal na siyang manunumpa bilang vice Mayor ng Reina Mercedes, Isabela.
Dahil sa pormal na itong mauupo sa pwesto ay maraming mga kababayan niya ang umaasa sa mga pangko nito noong siya ay nangangampaniya pa lamang.
Ilan sa mga pangakong inaasahan nila ay ang libreng prangkisa para sa mga namamasadang tricycle at mga programa para sa mga bata.
Gaganapin ang proclamation sa June 5,2025 sa mismong Office of the Vice Mayor.
Samantala, Welcome si Reina Mercedes Mayor Maria Lourdes Saguban na makatrabaho si Atty. Harold.
Aniya tatalima sila sa kung ano ang panuntunang ibinaba ng Comelec matapos ang issue na kinasangkutan ni Atty. Respicio dahil sa pagbibigay ng pahayag kaugnay sa posibleng pag hack sa ACM’s naginamit nitong nakaraang halalan.
Alam aniya niya ang limitasyon ng mga tungkulin ng Vice Mayor lalo at matagal na panahon din siyang nagsilbi sa naturang posisyon.
Umaasa siya na kahit papaano ay irerespeto ni Atty. Respicio ang hanganan ng kaniyang pwesto, bilang pinuno ng lehislatibo ay sana maayos nitong magampanan ang tungkulin para sa kapakanan ng kanilang Bayan.
Dagdag pa niya mabilis lamang ang tatlong taon na pagseserbisyo kung tutuusin kaya dapat itong gawin ng may kaayusan, .
Handa din siya na mag move forward at isantabi ang hidwaan para sa serbisyo publiko










