--Ads--

Mayorya ng mga nanalo sa halalan sa Cauayan City ay pawang mga incumbent sa pangunguna ni Re-electionist Mayor Ceasar Dy Jr na siyang nanalo muli sa pagkaalkalde ng Lungsod.

Nakakuha ng 44,437 na kabuuang boto si Mayor Dy kumpara sa 29,684 na nakuhang boto ng katunggali nitong si Bill Dy.

Nanguna naman sa pagka Sangguniang Panlungsod si Balong Asirit na sinundan nina Cynthia Uy, Balong Uy, Porong Mallillin, Leoncio Dalli III, Miko Delmendo, Thea Garcia, Atty. Paul Mauricio, Bagnos Maximo Jr at Rufing Arcega.

Pormal namang naiproklama ang mga nanalo kaninang madaling araw.

--Ads--