--Ads--

Nakaalerto na ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO Aurora sa magiging epekto ng papalapit na bagyong Kristine sa kanilang lalawigan.

Nagpatupad na rin ng preemptive evacuation ang ilang barangay sa lalawigan ng Aurora pangunahin na sa mga nasa coastal areas.

Sa naging panayam  ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Elson Egargue, PDRRM Officer ng Lalawigan ng Aurora, sinabi niya na ramdam na ang hangin at ulan sa lalawigan pangunahin na sa coastal areas.

Sa ngayon ay nakapaghanda na sila sa mga maaring isagawang evacuation sa mga residenteng maapektuhan.

--Ads--

Nakapagpreposition na rin sila ng mga relief o family food packs sa mga lokal na pamahalaan.

Nakahanda na rin ang kanilang mga heavy equipment na kakailanganin sa paglikas ng mga residente maging pagsasaayos sa mga maaring masira sa pananalasa ng bagyo tulad ng mga landslide sa mga daan.

Nagpapatuloy naman ang kanilang information dissemination sa bawat barang DRRM Offices para sa mga abiso para sa pagsasagawa ng preemptive evacuation bagamat hindi pa gaanong ramdam ang epekto ng bagyo.