--Ads--

CAUAYAN CITY– Itinuturing na breakthrough ng pamunuan ng 5th Infantry Division Philippine Army ang pagsisimula na ng pagbabakuna para sa mga uniformed at non-uniformed medical frontliners.

Kauna-unahang nabakunahan si Brig. Gen. Larry Mojica, Assistant Division Commander ng 5th Infantry Division sumunod si Col. Ferdinand dela Cruz Jr., Chief of staff at si Lt. Col. William Joseph Rigor, Commanding Officer ng Station Hospital ng 5th ID.

Ayon kay Lt. Col. Rigor may sampung doses ng Astrazeneca ang ibinigay ng DOH region 2 na ituturok sa mga may comorbidity habang ang Sinovac vaccines naman sa mga medical frontliners.

Sa kabila na may pangamba ang publiko sa bakuna kontra COVID-19 ay positibo ang pagtanggap ng mga sundalo sa bakuna batay sa kanilang isinagawang survey.

--Ads--

Ngayong araw ay inaasahanag mababakunahan ang nasa 300 personnel ng 5th ID habang ang 2nd dose naman ay inaasahang ituturok sa mga susunod buwan.

Ang bahagi ng pahayag ni Lt. Col. William Joseph Rigor