--Ads--

Medical marijuana bill, tiniyak ng main author ma maipapasa na sa kamara next week

CAUAYAN CITY -Tiniyak ng main author na maipapasa na sa KAMARA ang medical marijuana bill sa susunod na linggo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Congressman Rodito Albano ng 1st district ng Isabela, pangunahing author sa medical marijuana bill hihintayin na lamang nila na magkaroon ng quorum at maipapasa na ang kanyang panukala.

Inihayag pa niya na si Buhay Partylist Congressman Lito Atienza lamang ang tumututol sa kanyang panukala ngunit suportado naman ito ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

--Ads--

Tiniyak naman ni Albano na mayroong safeduards ang nasabing batas at malinaw na gagamitin lamang ito bilang gamot at hindi maaring gamiting recreational.