Mekaniko, sugatan matapos saksakin ng Grade 10 student
CAUAYAN CITY – Nagpapagaling na sa pagamutan ang isang mekaniko matapos saksakin ng 15-anyos na menor de edad sa Gamu, Isabela.
Ang biktima ay si Francisco Cerbo, 22 anyos, habang ang nakasaksak ay isang Grade 10 student na kapwa residente ng Gamu, Isabela.
Sa nakuhang Impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Gamu Police Station, ang suspek kasama ang iba pang pasahero ay sakay ng isang tricycle patungong Gamu Rural Highschool at nang makarating sa lugar ay nagsibabaan ang mga sakay.
Dito sinugod sila ng mga kalalakihan sa pangunguna ng biktima.
Tinangka lamang umanong idepensa ng suspek ang kanyang sarili matapos bugbugin ng grupo ng biktima.
Bumunot ng kutsilyo ang menor de edad at sinaksak si ang biktimang si Cerbo na agad itinakbo sa ospital habang kusa namang sumuko sa pulisya ang naturang Grade 10 student




