Naniniwala si Miss International 1979 Melanie Marquez na ang tunay na motibo sa reklamong illegal detention at torture na inihain ng driver ni Rhian Ramos laban sa kanyang anak na si Michelle Dee ay blackmail para sa pera.
Sa isang social media post, sinabi ni Melanie na nagsisinungaling umano ang driver at ginawa ang pahayag upang sirain ang pangalan nina Michelle, Rhian, at Samantha Panlilio.
Nanawagan din ang beteranang beauty queen na mapanagot at makulong ang mga nasa likod ng umano’y paninira sa imahe ng tatlo.
Matatandaang inakusahan ng driver sina Michelle, Rhian, at Samantha na sinaktan at ikinulong umano siya sa condominium mula Enero 17 hanggang 19 matapos pagbintangan na nagnakaw ng isang ampao na may lamang sensitibong larawan.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng insidente, habang mariin namang itinanggi ng kampo ng tatlo ang paratang.







