--Ads--

Nasabugan ng paputok ang isang menor de edad sa Lungsod ng Cauayan.

Batay sa ulat ng Cauayan City Police Station, nagtamo ng minor burn injury sa kanang kamay ang isang 15-anyos na lalaki matapos masabugan ng paputok.

Sa paunang imbestigasyon ng Pulisya, lumalabas na ang biktima ay nakikipag-inuman umano sa kaniyang mga kaibigan nang mangyari ang insidente.

Isa umano sa mga kasamahan ng biktima ng nagsindi ng paputok at inihagis ito malapit sa kaniya subalit sa halip na umiwas o lumayo ay pinulot pa umano ito ng biktima na agad namang pumutok sa kaniyang kamay ilang sandali matapos niya itong hawakan.

--Ads--

Agad namang rumesponde ang mga awtoridad at isinugod ang biktima sa pagamutan upang malapatan ng lunas ang tinamo nitong sugat.

Muli namang nagpaalala ang kapulisan sa publiko lalo na sa mga kabataan na maging responsible at mag-ingat sa paggamit ng mga paputok.