--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa tatlumpung libong piso ang halaga ng napagbentahan na recyclable waste ng Municipal Environment and Natural Resources Office ng bayan ng San Mateo.

Ito ay alinsunod sa pinaigting na Memorandum of Agreement  sa pagitan ng Local Government Unit ng San Mateo at ng mga Barangay sa naturang bayan kung saan nakapaloob dito na dapat ibenta sa LGU ang kanilang mga recycable waste.  

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jonathan “Neil” Galapon, Municipal Environment and Natural Resources Officer ng San Mateo, sinabi niya na simula buwan ng Marso hanggang Hunyo ngayong taon ay 30,000 pesos na ang kanilang kita mula sa mga basura na nakolekta sa kanilang bayan.

Mas pinaigting din aniya ngayon ang pagbawal sa paggamit ng mga single use plastic sa pamilihang bayan ng San mateo kung saan nakikipag-ugnayan na din sila mga negosyante at sa Market supervisor ng palengke para sa implementasyon nito.

--Ads--

Maliban dito ay nagsasagawa din sila ng lingguhang cleanup drive sa bawat barangay at isang beses kada buwan na road clearing.

Sa pamamagitan aniya nito ay natututo ang mga residente ng tamang pag-manage ng basura.

Target din ng nasabing ahensya na magtanim ng maraming puno sa mga tabing ilog bilang preparasyon na din sa Rainy Season at upang hindi na lumuwang pa ang ilog na nasasakupan ng bayan ng San Mateo.

Para maimplementa aniya ng maayos ang mga ganitong klase ng programa ay dapat paigtingin ng mga LGUs ang kanilang relasyon sa taumabayan para maisakatuparan ang iisang hangarin para sa kalikasan.