--Ads--
Inanunsyo ng Meta na tuluyan nang titigil ang Messenger desktop app simula Abril 2026. Ayon sa kompanya, hindi na magiging available ang messenger.com para sa web messaging sa desktop.
Gayunpaman, ipinaalam ng Meta na awtomatikong ire-redirect ang mga user sa facebook.com/messages upang ipagpatuloy ang kanilang pakikipag-chat sa computer, o maaari pa rin silang magpatuloy sa Messenger gamit ang mobile app.
Para naman sa mga gumagamit ng Messenger nang walang Facebook account, maaari pa rin silang magpatuloy sa pagcha-chat gamit ang Messenger mobile app.








