Ipinaabot ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Jay Ruiz sa Kamara ang naobserbahan nito na ang mabagal na pag-aksyon ng Meta na alisin ang false content nito na naka-post sa kanilang social media sites.
Isang halimbawa rito, ani Ruiz, ay ang insidente kung saan ang dapat sanang memo na nagmula umano sa Office of the Executive Secretary ay kumalat online.
Sinabi ng PCO chief na tumanggi ang Meta na alisin ang content sa kabila ng certification mula sa Department of Information and Communication Technology (DICT) Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na ito ay isang fake memo.
Iginiit pa ni Ruiz na ang pagpapakalat ng maling kuwento ang nagpapahina sa tiwala ng publiko at puwedeng magpasama sa hangarin ng gobyernong tugunan ang pangangailangan ng sambayanan.
Sinabi ni Ruiz na ang mga platforms na kagaya ng Meta ay dapat maging responsable at aktibo sa pagsugpo sa fake content na nagliligaw sa publiko.











