--Ads--

Kinondina ng Mexico ang ginawang pag-atake ng US sa Venezuela at pag-aresto kay president Nicolas Maduro.

Ayon kay Mexican President Claudia Sheinbaum, na hindi tama ang pangingialam ng US sa ibang bansa.

Sa kasaysayan ng Latin America ay malinaw na walang demokrasya ang anumang panghihimasok ng ibang bansa.

Sa naging kasagutan niya sa alegasyon ni US President Donald Trump na walang ginagawa ang Mexico sa paglaban sa drug trafficking cartels, sinabi ni Sheinbuam na nakikipagtulungan sila sa US kabilang ang humanitarian reasons at para maiwasan ang fentanyl at ibang droga na makapasok sa kanilang bansa.

--Ads--