--Ads--

CAUAYAN CITY – Karaniwang naitatala sa San Agustin Isabela ang mga aksidente sa kalsada na kinasasangkutan ng mga motoristang lango o nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj Fresiel Dela Cruz ang hepe ng San Agustin Police Station sinabi niya na vehicular accident naman ang karamihan sa mga insidente na kanilang naitatala sa kanilang Area of Responsibility kung saan madalas ito ay sanhi ng human error dahil madalas na nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin at mabilis magpatakbo.

Bilang tugon ay may operation delay na isinasagawa sa school zone para maiwasang magpatakbo ng mabilis ang mga motorista sa mga school premises lalo na kung uwian ng mga estudyante.

Nakikipag-ugnayan din sila sa bawat barangay para suyurin ang mga motorsiklong may open pipe sa kani-kanilang nasasakupan habang ang ISmart naman ang nakatalaga para magpataw ng multa sa mga motoristang gumagamit ng open pipe.

--Ads--

Pangkalahatang mapayapa pa rin naman ang Bayan ng San Agustin dahil wala ring nasasabat na iligal na pinutol na kahoy at wala ring mga illegal loggers ng naglilipana sa kanilang nasasakupan.