--Ads--

CAUAYAN CITY- Inanunsyo ng Lokal na pamahalaan ng Cauayan City ang ilang mga paunang aktibidad na inilatag para sa Cityhood.

Kadasalang ginugunita ang cityhood sa lungsod ng Cauayan tuwing ika-30 ng buwan ng Marso kung saan isinasabay na rito ang unang araw ng Gawagawayyan Festival.

Sa naging pagpapahayag ni Mayor Ceasar Jaycee Dy Jr.,sinabi niya na ang programa ay aasahang mag-uumpisa na ng hapon kung saan magkakaroon ng awarding para sa Outstanding Cauayeños at magkakaroon din ng concert.

Sa ngayon ay magiging surpresa na lamang sa mga residente sa Cauayan City kung sino ang bibisita sa lungsod para sa nabanggit na konsyerto.

--Ads--

Bukod dito ay magkakaroon din ng medical assisstance para sa mga kawani ng Lokal na pamahalaan upang makatiyak na malusog at walang anumang karamdaman o sakit ang mga empleyado.

Bago ang City Hood ay magkakaroon na ng screening para sa Mutya ng Cauayan.

Magsisimula naman ang screening sa March 1, kaya inaabisuhan ang lahat ng residente na mag-umpisa nang mamili ng pambato para sa naturang event.

Hinihikayat ang lahat na isali ang kanilang anak, kaibigan, o mga kakilala na alam nilang kwalipikado sa naturang pageant

Bukod pa rito, abala na rin ang lungsod ng Cauayan sa planong pagpapatayo ng Cauayan Arena.

Sa ngayon ay wala pang ibinabahagi ang alkalde kung saan posibleng ipatayo ang arena subalit sa ngayon ay pinag-aaralan na itong mabuti ng pamahalaan.