--Ads--

CAUAYAN CITY – Itinuro ng isang  sumukong kasapi ng New People’s Army (NPA)  ang lugar kung saan ibinaon  ang mga nahukay na anti-vehicle mines, dalawang mataas na uri ng baril at isang bala ng M79 sa liblib na sitio ng Del Pilar, San Mariano, Isabela

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt Col. Jeffrey Raposas, Commander ng 1st Provincial Mobile Force Company (IPMFC), sinabi niya na batay sa dating kasapi ng NPA na nagbigay ng impormasyon, ang mga ito ay ibinaon  nila noong sila ay aktibo pa sa kilusan.

Sinabi niya  na  nagsagawa  ng validation ang mga intelligence operatives bago sila nagsagawa ng paghuhukay at positibo ang naging  resulta.

Sinabi ng mga dating rebelde na nagbigay ng impormasyon na ibinabaon nila ang mga pampasabog at armas sa mga lugar na madaling tandaan malapit sa Pinacanauan River  na sakop ng Siera madre mountain ranges malapit sa bundok na palagi nilang pinagkukutahan.

--Ads--

Marami aniyang impormasyon na ibinibigay ng mga sumukong rebelde na nagsisilbing gabay sa pagsasagawa nila ng focused military at police operation at napapasuko ang mga ibinubunyag nilang Militia ng Bayan (MB).

Ang mga nakuhang materyal sa paggawa ng pampasabog, mga baril at bala ng M79 ay ipapasakamay nila sa mga magsasagawa ng technical inspection report para sa matatanggap na firearms remuneration ng dating rebelde na nagbigay ng impormasyon.

Ang pahayag ni PLt Col Jeffrey Raposas.