CAUAYAN CITY – Tinangay ng di pa matuloy na mga suspek ang humigit kumulang P/20,000.00 halaga ng regalong ipapa-raffle sana sa Grand Re-union Alumni Home Coming ng Don Mariano National High School sa Echague, Isabela
Dahil dito tiyak na hindi na matutuloy ang pa-raffle sa Sabado, December 23, 2017 sa Grand Alumni Homecoming
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, ginamitan ng bolt cutter ng mga magnanakaw upang mabuksan ang silid na kinaroroonan ng mga appliances
Natangay ng mga magnanakaw ang isang refrigerator, isang television, isang washing machine at mga plantsa.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan hindi lamang ngayon nanawakan ang nasabing paaralan kundi ninakawan na noong mga nakalipas na araw at natangay ng mga magnanakaw ang 3 laptop at iba pang mga kagamitan.
Mayroon nang suspek sa nasabing pagnanakaw at patuloy pang sinisiyasat ng pulisya.




