CAUAYAN CITY – Nasamsaman ng mga otoridad ng mga baril, bala at pampasabog ang isang magsasaka sa Cabagan, Isabela.
Ang suspek ay si Roy Bautista, 49 anyos, magsasaka at residente ng Casibarag, Cabagan,Isabela .
Nasamsam sa suspek ang isang 9mm pistol , isang Cal. 35 pistol, isang 12 gauge shotgun, isang Carbine, isang granada kabilang na ang 19 na short at long magazines, halos 300 piraso na iba’t ibang mga bala at isang bullet proof vest
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Inspector Alain Jericho Cuyopan ng CIDG Isabela na nagsasagawa pa rin sila ng masusing imbestigasyon sa suspek dahil hindi sila naniniwala sa sinabi ni Bautista ang mga nasamsam na baril ay namana niya sa kanyang ama.
Walang lisensiya ang mga nasamsam na mga baril at granada.
Anya isasailalim nila sa ballistic examination ang mga nasabing baril upang masuri kung nagamit sa mga kirmen .
Mayroong nagbigay ng impormasyon sa CIDG kaugnay sa pagtataglay ng pinaghihinalaan ng mga baril kayat agad silang nag-apply ng search warrant sa hukuman na naging positbo
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition ) at paglabag sa Presidential Decree 1866 ( illegal Possession of Explosives ) laban kay Bautista .




