--Ads--

CAUAYAN CITY –  Walumpong porsiyento nang handa ang mga atleta ng  Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA ) sa pagsabak sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Pilipinas sa  November 30 hanggang December 11,  2019.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Edward Kho, spokesman ng PATAFA, sinabi niya na ang national team ay nagsasanay sa Narciso Ramos Sports Complex sa Lingayen City, Pangasinan.

Umaasa siya na may mga atleta ng PATAFA na magwawagi ng mga medalya sa SEA Games.

Tinututukan nila ang kalusugan ng kanilang mga atleta para walang sagabal sa kanilang pagsabak sa  30th  SEA Games

--Ads--
Tinig ni PATAFA Spokesman Edward Kho