CAUAYAN CITY – Nagtipon-tipon ang mga anak ng mga female inmates ng female dormitory ng BJMP Santiago City District Jail para sa pagdiriwang ng Universal Children’s Day.
Layunin ng nasabing gawain na mabigyan ng pagkakataon ang mga bata na makahalubilo ang mga inang nasa bilangguan.
Layunin din nitong maramdaman ng mga bata ang pagmamahal ng kanilang ina.
Nabigyan ng pagkakataon ang mga bata at mga inang inmates na makapaglaro.
Pinangunahan ng BJMP Santiago City at isang Non-government Organizationsang nasabing aktibidad at pinangaralan ang mga bata kaugnay sa sitwasyon ng kanilang mga ina.
Nabigyan din ng mga regalo ang mga bata na magagamit sa kanilang pag-aaral.
Labis labis ang katuwaan ng mga babaeng magulang dahil sa nabigyan sila ng pagkakataon na makasama ang kanilang mga anak kahit sandali lamang.




